bloglovin

Archive for May, 2012

hmm..

“Kung buo ang loob, sa sariling pagkukusa makakamit ang pagbabagong pinaka-aasam-asam, ng hindi ina-asa sa iba.”

i keep watching legacy

“I’m hoping to find another… someone better… who treat me like a queen” Honestly, I like that part of the song :))

single

  • 4 weeks ago: single
  • 3 weeks ago: single
  • Last week: single
  • Next week: single
  • Next month: single
  • Next year: single
  • Next decade: single
  • On Death Bed: single

=))

“You know what’s attractive? Seeing people change for that one person. Whether it’s cutting down their drinking habits or to stop doing drugs and maybe even something small like to stop swearing. It just proves that when it comes down to it, they would do whatever it take to see that person happy. Stopping habits is a hard thing to do and to see people actually doing that for someone’s love is really attractive to me.”

Left brain: I am the left brain. I am a scientist. A mathematician. I love the familiar. I categorize. I am accurate. Linear. Analytical. Strategic. I am practical. Always in control. A master of words and language. Realistic. I calculate equations and play with numbers. I am order. I am logic. I know exactly who I am.

Right brain: I am the right brain. I am creativity. A free spirit. I am passion. Yearning. Sensuality. I am the sound of roaring laughter. I am taste. The feeling of sand beneath bare feat. I am movement. Vivid colors. I am the urge to paint on an empty canvas. I am boundless imagination. Art. Poetry. I sense. I feel. I am everything I wanted to be.

Left brain looks boring. Right brain. Right brain it is. 😉

installing a boyfriend

Dear Tech Support,

Last year I upgraded from Boyfriend 5.0 to Husband 1.0 and noticed a distinct slow down in overall system performance, particularly in the flower and jewelry applications, which operated flawlessly under Boyfriend 5.0.

In addition, Husband 1.0 uninstalled many other valuable programs, such as Romance 9.5 and Personal Attention 6.5, and then installed undesirable programs such as

NBA 5.0, 
NFL 3.0 and 
Golf Clubs 4.1.

Conversation 8.0 no longer runs, and Housecleaning 2.6 simply crashes the system.

Please note that I have tried running Nagging 5.3 to fix these problems, but to no avail.

What can I do?

Signed,

Desperate.

 

 

DEAR DESPERATE,

First, keep in mind, Boyfriend 5.0 is an Entertainment Package, while Husband 1.0 is an operating system.

Please enter command: ithoughtyoulovedme.html and try to download Tears 6.2 and do not forget to install theGuilt 3.0update. 
If that application works as designed, Husband 1.0 should then automatically run the applications Jewelry 2.0and Flowers 3.5.

However, remember, overuse of the above application can cause Husband 1.0 to default to Grumpy Silence 2.5,Happy Hour 7.0 or Beer 6.1. 
Please note that Beer 6. 1 is a very bad program that will download the Farting and Snoring Loudly Beta.

Whatever you do, DO NOT under any circumstances install Mother-In-Law 1.0 (it runs a virus in the background that will eventually seize control of all your system resources.)

In addition, please do not attempt to reinstall the Boyfriend 5.0 program. These are unsupported applications and will crash Husband 1.0.

In summary, Husband 1.0 is a great program, but it does have limited memory and cannot learn new applications quickly. You might consider buying additional software to improve memory and performance. We recommend Cooking 3.0 and Hot Lingerie 7.7.

Good Luck Babe!

Tech Support

THE LOGIC OF ‘NO CHOICE’

(Pag nag aral ako, fulltime) + (Walang trabaho) = Di rin magtutuloy tuloy ‘to.
(Pag nag-trabaho lang ako) + (Walang aral) = Walang progress, opinion ‘to
(Pag nagtrabahong buo) + (Puro aral) + (Walang tulog) = Pwede maglaho nalang? hahaha

Video

sometimes simple is the best. i f love this song.

love this!! when i was young , i always watched the movie when i get upset & hey i still do now ;( always wished to have a moment like thiis ❤

Iba’t-ibang Uri Ng Photographers

Alin ka dito ? Pili na!

1. MAKALIKOT

Ito ang uri ng photographer na naka-pose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button ay kung anu-anong settings pa ang pinaglalalagay sa camera n’ya: mula shutter speed hanggang sa lens length, kahit prime na ‘yung lens n’ya at sakto na, papalitan n’ya pa rin kasi pakiramdam n’ya parang may mali. Nagbo-bokeh pa para lang makuha ‘yung gustong effect! Ang resulta? Hayun, ngawit ang model.
Kalupitan level: 4/5

2. MAUTOS

Madalas ito sa mga may model shoot. Uutusan nila ang model: nguso, liyad, tuwad, higa, hubad – makuha lang yung perfect angle. Ang resulta? Ang model ay parang clay – kung anu-anong posture ang gagawin. Kaso ‘di puedeng umangal ‘yung model. Papasikatan s’ya nung photographer tapos ‘pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose, hindi pa. Makikita mong gumugulong-gulong din ‘yung photographer para daw perfect lighting ‘yung kuha n’ya.
Kalupitan level: 3/5

3. HUMAN GORILLAPOD

Uncommon ito pero ‘pag naka-encounter ka, luluwa mata mo! Opposite ito ni MAUTOS. Imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbe-bend, lumiliyad, humihiga, tumutuwad. Kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha. Ayaw n’yang utusan ang model dahil baka tumanggi na ‘yun sa next photoshoot eh. Makikita mo lahat ng kasama n’ya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa photographer. Biruin mo, human gorillapod flexibility eh. ‘di mo s’ya masisisi: perfect lighting ang habol n’ya. It’s all about the lighting ‘ika nga ‘di ba? And, his/her shots will justify it. Pero pagkatapos ng shoot at nakauwi na ang lahat, dederetso ‘yan sa botika para bumili ng pain reliever.
Kalupitan Level: 6/5

4. MAPINDOT

Makita lang ‘yung shutter button – ‘yung bilog na kulay abo na makintab – talagang naglalaway na, at gagawin ang lahat para lang mapindot. Nanghihinga s’ya sa tuwing maririnig ang tunog ng shutter release. “chukah chukah chukah” Kung maaari lang na gawing ringtone sa cellphone, ginawa na n’ya.
Kalupitan level: 2/5

5. MAPILI

Marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots. Basta makita n’yang maganda, shoot! pero ‘pag nakita n’yang parang ‘di pasok sa panlasa n’ya, ‘di n’ya kukunan kahit marami na’ng photographer ang kumukuha. ‘pag sinabi n’yang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan n’ya, ayaw talaga.
Kalupitan level: 3/5

6. AUTISTIC/TUOD

Oo meron n’yan! ‘yung tipong kailangan mo i-reboot ‘yung tao. Aakalain mong ‘di gumagalaw, pero ‘pag nakapose na ang model, parang robot ‘yang itataas n’ya ang kamay na may camera papunta sa kanyang mata. Alam n’yo yung pag-arte ni Arnold Schwarzenegger sa Terminator? Ganon s’ya: cold. Makikita mo ‘yan nakatayo lang sa isang tabi tapos hindi kikibo. ‘pag lalapitan mo, blank. Magugulat ka na lang may reset button na umiilaw. Pentium Poor ang processor n’ya. pero ‘wag mo s’yang pagtawanan, magaganda ang mga shots n’ya. Kelangan lang n’ya mag-upgrade ng processor.
Kalupitan level: 7/5

7. MA-ZOOM

Ito ‘yung mga may paparazzi tendencies. Makikita mo sa lens lineup n’ya: may wide, tele, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200mm, 80-400mm, etc… merun s’ya! ‘yan yung mga tatawagan mo sa gabi, sasabihin nagna-night shoot daw. Night shoot nga kaso ang kapitbahay na nagbibihis ang subject.
Kalupitan level: 5/5

8. MA-MACRO

Kabaliktaran ito ni MA-ZOOM. Lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki: magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, gagamba, langgam, sperm cell at kung anu-ano ‘pang gumagapang at gumagalaw. Lens lineup? Ayaw bitiwan ang kit lens n’ya kase may macro capabilities ‘yun. Madali mo silang mapupuna kasi kahit walang camera, makikita mong uupo, dadapa, tutuwad o gagapang ng malapitan sa isang subject at iisipin “ima-macro kitaaahhh… hintayin mo, mamamacro din kitaaahhh… bwahahaha…”
Kalupitan level: 8/5

9. TRIGGER-HAPPY

Pagsamahin mo ‘yung characteristics nila MAPINDOT at MA-ZOOM para maabot ang status na ‘to. Lahat kinukunan. Lahat at kahit anong bagay: electric fan, bumbilya, lababo, agiw, o alikabok; pati pulubi, taxi driver, katrabaho, kapitbahay, tindera, bata, matanda o tulog, gising, patay, gumagalaw o hindi. Basta parang lulong na palaging may bumubulong na “ito, kunan mo, kunan mooohhh!!!”
Kalupitan level: 7/5

10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG

Ito ‘yung photographer na gala. May hampered characteristics ito ni TRIGGER-HAPPY. Lalabas ito ng bahay sa umaga, bitbit ang camera. Mula Manila City Hall, mapapadpad ‘yan ng Caloocan.Uuwi ng hapon na punong-puno ng raw at jpeg files ang memory cards n’ya. ‘wag n’yo s’yang sisihin, marami syang pera!!!
Kalupitan level: 5/5

11. TAMAD

Ito ‘yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero tinatamad pagdating sa post-processing. Bihira mag-shoot sa raw, jpeg na lang. Makikita mong nabubulok na ng isang dekada ‘yung mga kuha n’ya. ‘di n’ya pino-post process. ‘yung multiply n’ya? ‘di updated kahit online s’ya. Dahilan n’ya? Katamad eh…
Kalupitan level: 6/5

12. POST-PROCESSING BUFF

Ito ang pinakametikuloso pagdating sa post-processing. Lahat ng options kinakalikot: white balance, tone, color, contrast, dimension at file format. Lahat. Basta makuha n’ya ‘yung pinakamagandang kuha. ‘wag ka, Lahat ng post-processing tools, apps at plugins meron sa PC n’ya – the ultimate darkroom man. Pero ‘pag nakita mo pics n’ya, mapapakamot ka ng singit sa ganda!
Kalupitan level: 8/5

13. MA-WATERMARK

Ito ang mga photographers na sobrang laki ng watermark. Parang watermark ang tinubuan ng picture. Tipong minumura ka sa laki! Pero magtataka ka, elaborate ‘yung design ng watermark: maraming burloloy gaya ng dahon, kahoy, kamay, paa, at ilong. ‘di lang ‘yan, mayroon ding tatadtarin ng iba’t ibang styles ng watermark yung picture: paiba-ibang kulay, paiba-iba ng fonts at fontsize, ‘di lang isa minsan parang mga kabute kapag malakas ang kidlat! Masyado nilang pinagmamalaki ang kanilang watermark este, pictures pala.
Kalupitan level: 8/5

14. MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION

Gulat ka ano? Uso ‘yan ngayon! ‘yan ‘yung mga magagandang babae at lalaking photographers…. ‘yung tipong ‘pag may shoot kayo at walang model, magpopose ‘yan sa isang tabi tapos kunwari hindi wari na kinukunan s’ya ng iba. Makikita mo na lang ‘yan mamaya na nakasandal sa pader, nakahiga sa damuhan, nakaupo sa sahig, tumatawa, umiiyak, gumagawa ng sariling moment. Pero, pero dead-ma pa rin! ‘yung iba talagang ka-career-in ‘tong status na ‘to… ayos eh! Malalaman mo na lang na gina-grab n’ya ang mga kuha mo sa kanya tapos sasabihin n’ya “Sh*t kailan ‘to? Hindi ko ‘to alam ah! Ikaw talaga? Guapo/ganda ko pala!”
Kalupitan level: 7/5

15. BOYSCOUT

Alam n’yo naman siguro ang motto ng isang boyscout: laging handa! ‘yan yung makikita mo na may dalang malaking backpack. ‘yung tipong dala n’ya ‘yung studio n’ya sa bag. ‘pag binuksan mo, (kumikinang pa) at biglang magtratransform khokhokhokhokhok! pooft! instant studio! Lahat ng kakailanganin mo nanduon: softbox, umbrella, tripod, costumes at makeup. Ito na siguro ‘yung magaling magsiksik ng gamit sa bag… ‘yan ‘yung biglang sasabihan ka “Tara shoot tayo, dala ko studio ko sa bag.” Mapapaisip ka sa una at ‘pag nakita mo laman ng bag n’ya, mapapanganga ka at tutulo pa laway mo!
Kalupitan level: 7/5

16. STALKER

Ito na siguro ang ultimate mamaw photographer. Ito ang supling nila MAPINDOT MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY.Karamihan ng mga ganitong photographers ay nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang babae at lalaki, tapos babanatan s’ya ng zoom range n’ya mula sa kanyang lens lineup. Makikita mong naka-mount sa camera n’ya ‘yung mga mahahabang range ang zoom. Dadasalan n’yang kuhanan ‘yung natipuhan n’yang subject habang bumubulong ng “maging akin kaaahhh. maging akin kaaahhh…” habang hanggang tainga ang ngiti. Mapapansin mo na kapag nakatingin sa kanya ang subject, biglang itututok n’ya sa iba ang camera para hindi mahalata nung subject na s’ya talaga ang kinukuhaan n’ya. Makikita mo s’ya sa susunod na event shoot na kinukuhanan pa rin ang subject na trip n’ya pero kit lens na ima-mount n’ya para malapitan n’yang kukunan ‘yung subject… style lang n’ya ‘yun. Malalaman mo na lang na hiningi na n’ya ‘yung YM, multiply, deviantart, cellphone number, email address, birthday at first love ng subject n’ya.

Kalupitan Level: 8/5

Ibat ibang uri ng profile picture sa facebook

 

Totoong may iba’t ibang uri ng profile pictures o kahit anong pictures sa Facebook, o kahit anong social networking sites. Minsan ay dumedepende ‘yan sa anggulo o sa konsepto ng letrato.

Sa kasulukuyan, may mga bagay na napapansin ako sa mga profile pictures na nakikita ko at sa pagpapansin kong ito ay nakagawa ako ng iba’t ibang kategorya ng isang profile picture at ito ay:

  1. The drama king/ queen – Nakatingin sa kung saan-saan (sa gilid-gilid kung kadalasan) tapos kadalasan ay black and white o kaya’y sepia. Minsan nakatungo o kaya’t nakatingala.
  2. The model type – Kung makapag-pose ay wagas. Akala mo ay nagpopost para sa isang magazine or billboard na makikita sa EDSA. Sa mga babae kadalasan ay nakapamewang, nakahawak sa buhok, naka-couture, o di kaya’y naka-pout. Sa mga lalake naman ay pwedeng nakahawak din sa buhok, sa mukha, o di kaya’y nakapasok sang kamay sa lob ng bulsa.
  3. Pa-cute – Ito naman ay ang mga pictures na ang makikita mo ay naka-peace sign, naka pogi pose o kaya’y basta nagpapacute.
  4. The poser – Hindi lang ‘yung poser na gumagamit ng picture at pangalan ng ibang tao pero pati na din ‘yung gumagamit ng ibang letratong hindi nila mukha. Mapa-artista, anime, sikat na tao, etc.
  5. Barkada pic – ‘Yung tipong pinagkakasya ang buong baranggay o buong barkada sa profile picture niya tapos maduduling ka na sa kahahanap kung nasaan siya talaga.
  6. Love team – Hindi mo na nga mapaghiwalay sa totoong buhay pati din sa picture walang patawad. Magkasama pa din.
  7. The non-living thing – Gawin ba naman daw profile picture ang remote control, camera, etc. Basta kahit anong hindi gumagalaw. Minsan lugar din or planeta?
  8. Pornstar – Topless, backless, frontless, downless, lahat ng may less. Baka gusto mong magpose na lang sa isang porn magazine or porn site. Kadalasan ay malaswa tignan at nangaakit. Minsan ay kuha ito sa cr o sa kwarto.
  9. Malandi type – Mga naka-pout o nakalabas ang dila. Basta nangaakit.
  10. Sleeping beauty – Nakadapa, nakatihaya at kung ano pa mang posisyong ginagawa sa kama, sahig o kung saan man pwedeng gawin ang kahit na anong mga ‘yan. (O bawal ang madumi ang utak ha.)

20 + 1 things that I’ve learnt in life

 

Over the past few years, I’ve had some incredible conversations with people that have really shaped the way I see the world and the way I live my life.

Here are some of the snippets of advice and experiences that I have taken on board, and which I think represent who I am today and the way I do what I do:

  1. Do things with a smile – if the task is inevitable, you might as well make yourself feel better (or make someone else feel good) doing it.
  2. Never take yourself too seriously – no matter how ‘important’ or ‘awesome’ you think you are. Serious people are boring.
  3. Open up your senses – eat slowly; stop taking pictures and enjoy the atmosphere; smell the roses.
  4. Value your friends – commit to spending quality time with them and never be too ‘busy’.
  5. Find something that makes your eyes sparkle – the thing that makes you really excited.
  6. Be around people who make you want to DO things – the people that give you energy and share your enthusiasm (even though they have no idea what you’re on about sometimes).
  7. Forget about the ‘competition’ – you can only achieve what you are capable of achieving, and go with the confidence that you can go far.
  8. Look good to feel good – I am guilty of wearing my pajamas out of the house too much. Sometimes looking the part gives you just the right kick you need.
  9. Do things with a bit of fight – and always be present.
  10. Sit at the table – even when you don’t feel good enough.
  11. Find joy in simple, maybe even mundane, things – I really enjoy the time that I spend on moving things: aeroplanes, trains, buses, long car rides .etc because I find that it really helps clear the mind.
  12. Find a favourite writer, musician, artist – it keeps you sane.
  13. Never limit yourself – thinking too far ahead can be a scary exercise but never close doors for yourself (unless of course you need to close doors to open new ones!).
  14. Talk to people – friends, family, new people, old people, strangers, the person that makes you your coffee every morning. There are so many interesting and incredible stories just waiting to be uncovered.
  15. Aspire to be like the person you look up to and respect – and not for a job or salary bracket.
  16. Write thank you cards – and always be grateful for the people who have helped and looked out for you.
  17. Never be too big, nor too small – never think that you are ‘above’ someone else just because you have achieved x, y and z, and also never think that you are below someone who has achieved x, y and z.
  18. Be frugal, but also have fun spending your money – see money as a means to an end, and spend it on the things that make you (and other people) happy.
  19. Believe in something – whether it be a religion, karma, or in another person. I have a rather strong but probably irrational belief that things will always work out for the better. 
  20. Come to terms with yourself and who you are – knowing your limits and understanding what is truly important to you is one of the most gratifying and freeing experiences.
  21. Prioritise your time – death is the greatest gift to life, so really prioritise the things that matter to you: for me, these are my relationships.

Some people use death (what would you do if you knew you were to die tomorrow?) to help them make difficult choices in life. I always think about it in terms of regret – would I regret doing this, or not doing this, ten, twenty or thirty years down the track? It makes the temporary pain bearable (finishing my law degree is the prime example of this) and it stops fear from speaking for you.

We are individually small, but I believe we can all do big things.

URI NG KAIBIGAN

Marami ka bang kaibigan? Kilala mo na ba talaga silang lahat? Nakasisiguro ka bang kaibigan mo talaga sila? Kwidaw ka , mag isip- isip ka na at basahin ang mga sumusunod na 10 uri ng kaibigan na naaayon sa kanilang kilos, pag-uugali at pakikisalamuha.
 
 
 
10. Kaibigang Artificial – Tinawag itong  artificial dahil hindi tunay . Samakatuwid isang peke! At eto ang mga kaibigan na tinatawag na “Plastik”. Nakow! Sila yung mga kaibigan na pang- imbabaw lang ang drama. Pag nakaharap ay okay. Madalas kang purihin to the max at nagsasabi na magaling ka, kahit hinde. Pero eto na….pag nakatalikod
 na ay wala nang pakialam. Puros negatibo na ang sinasabi laban sayo.
 
 
 
9. Kaibigang Talangka – Eto ang uri ng kaibigan na may pag- iisip na “Crab Mentality”. Eto yung mga kaibigan na ayaw masasapawan. Natatakot silang mapag-iwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay pa yan.Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na hihila sayo paibaba. May ganon!
 
 
8. The Parasites – Sila ang kaibigan na kung tawagin ay “The Blood Sucker”, animoy linta kung kumapit. Sisipsipin nila katas at dugo mu Pati libag mu hihimurin hanggang masaid ka. Eeww! Sila ang kaibigang lalapit lang sa oras ng gipit, nagiging malambing at nambobola kung kinakailangan. Iiwan ka na sa ere pag nakuha na nila ang kailangan nila .
 
 
7. Bodyguards – Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Na kahit magmukang alalay..okay lang. Pero ang gusto nila ay yung mga gwapo or maganda, astig pumorma, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila sa mga ganitong tao ay magiging “cool” na rin sila. Tsk…Galing noh!
 
 
6. Ka-i-bi-gan – Eto yung mga kaibigan na may “Hidden Desire”. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun  Kung dumiskarte pasimple. Sila ang iyong kaibigan na may lihim na pagtingin sayo. Na dadainin ka muna sa simpleng pakikipagkaibigan. Sa huli sila ay manliligaw na pala.
 
 
5. The Mushrooms – Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng bakal ang pagmumukha at dehins sila tinatablan ng kalawang. Present pag may ‘Libre”. Sila ang mga kaibigang bigla na lang lilitaw pag may birthday, binyag, kasal,outing at kung anu-anu pang okasyon na may handaang Bongga. Asahan mu pa pag tumama ka ng Lotto! Hindi magpapahuli sa balato. Nakapila na yan as Bodyguard. Matinde noh!
 
 
4. The Traitors – Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Itinuturing mo silang kaibigan pero hindi ka nila itinuturing na kaibigan. Parang wala lang.

 

3. Brothers/Sisters – Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan. Game lagi at hindi boring kasama.
 
 
2. Golden Friends – Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo ng magkakilala, maluma man ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na.
 
 
1. Tunay na Kaibigan – At last. Sila ang kaibigan na pinaka-rare sa lahat. Totoong kasama at hindi mapagkunwari. Superhero kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka. Magkaiba man ang bawat pananaw at prinsipyo sa buhay , nananitiling bukas pa rin ang wallet este ang isip upang makinig sa kahit anung drama meron ka. Mabuhay ka kaibigan!
 
 
 
 
Oh, Ikaw kaibigan..Sinu-sino na ba dyan sa sampu ang naexperience mo? At kung sakaling ikaw naman ,alin ka ba diyan sa sampu?

insecure much? hahaa i dont live to fucking please you

Inggit ka lang. 🙂

 
Insecurity reigns in an ugly heart of an empty brain. Sa panahon ngayon, maraming insecure sa paligid. Mag-ingat ka.

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong inggit. Yung sasabihan ka ng masasamang bagay, yung lalaitin lahat ng bagay na konektado sa’yo para lang masabi nilang “Yes! Ano ka ngayon…!?” sa isip nila. Minsan naman sasabihan ka ng “Ang yabang…” kahit wala ka namang ginagawa sa kanila. Siguro hindi lang nila matanggap na may nakakahigit sa kanila at hindi sila marunong makuntento sa kung anong meron sila. Gusto kong ipanintindi sa kanila na hindi nila kailangan saktan ang isang tao dahil lang insecure sila dito, ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay yung kung anong meron sila at hindi yung pag-iisip kung paano masasatisfy ang insecurities nila.

Sa totoo lang, ramdam ko kapag may ilang taong naiinggit sa akin. Hindi naman ako nagmamayabang pero masasabi ka naman na may mga magagandang bagay na akong nagawa sa buhay ko na talaga namang kakaingitan ng ilan. Kaya minsan, kahit wala akong ginagawa eh makakarinig nalang ako bigla ng mga panlalait mula sa kanila, sa itsura, projects, results ng exams, tarabaho, at sa iba pang bagay, minsan naman miski pisikal na pananakit nagagawa nila, kuwari pabiro pero halata namang nananakit sila kasi insecure sila. Hindi ko naman talaga sila pinapansin dahil wala talaga akong paki-alam kung ano man ang sabihin o gawin nila. Nanghihinayang lang ako kasi nasasayang yung laway nila sa pagsasalita o kaya napapagod yung mga daliri nila sa pagtatype ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Sinasakyan ko na lang lahat ng sinasabi nila, at nagpapanggap na may paki-alam. May sarili akong buhay, at hindi ako ipinanganak para problemahin sila.

Ako, inaamin ko naiinggit din naman ako pero tahimik lang ako kapagganun.. Insecure ako pero hindi ako masamang tao.

Ang natutunan ko lang, hindi ako dapat maging mabait masyado sa mga tao sa paligid mo, kasi minsan kung kelan ka lang nila kailangan dun lang sila magiging mabait sa’yo, kapag ikaw na yung may kailangan, insecure na ulit sila, di mo na sila maasahan. At isa pa, natutunan ko rin na kahit ano pang gawin mo, mabuti man o masama, laging may negatibong masasabi ang ibang tao, i mean, ang mga insecure na tao. Pero hindi naman ako galit sa kanila, ayaw ko lang talaga.

EPAL NA KAKILALA

Ang dami daming epal dito sa Pinas. Hindi ko alam kung bakit ganun dito sa’tin. Hindi mo naman kinakausap, bigla kang lalapitan at kung anu ano ang sasabihin.  

Hindi mo naman tinatanong at kung anu ano na ang sinasagot. 

Meron bang taong pinanganak na epal? Kung may magsasabing “oo” maniniwala ako. ^_^

Most of us hate the epal type. The ones who don’t mind the epal type eh UTU-UTO.Ganung lang naman yun. 

I’ll give you a tip kung kanino maghahanap ng advice. 

Sa gym, there will always be some noob na hindi alam kung saan mag-uumpisa. There will always be a noob na hindi alam gamitin ang mga equipment. At kung saan meron palaging noob. Nandon lagi ang epal guy na walang ginawa sa gym kundi magkwento. Oo, hindi naman talaga siya nagpapalaki ng katawan. Siya yung tipo ng lalake namalaki ang braso, payat ang paa at malaki ang tyan. Siya yung taong hindi pantay ang maskels. Walang kapagurang dumada. Yun yung taong dapat mong iwasan. (not limited sa gym, yan lang unang pumasok sa isip ko)

Ang dapat mong tanungin eh yung taong nananahimik, minding his own business and maganda ang pangangatawan talaga. Siya yung tipo ng tao who works alone and does his job very well. Sadly, eto yung tipo ng taong ndi napopromote sa trabaho minsan dahil ang gusto ng tangang boss eh yung puro dada sa trabaho, taking the credit ng subordinates niya o malaki ang dede. 

Ang rule dito sa’tin eh, kung sino pa yung walang alam, siya pa yung confident sumasat. At kung sino ang may alam, siya pa yung tahimik at nahihiyang magbigay ng advice dahil feeling niya baka mali pa siya. 

Talagang ganyan siguro buhay. Simpleng paksyet lang. 

Oh well, so much for the epal type. Baka natutuwa sila ginawa ko pa silang topic sa blog ko. Mpre feeling nila dahil ang title at laman ng blog ko puro tungkol sa ka-epalan eh sila talaga ang sikat. 

Opcors, hindi para sa mga epal ang blogpost ko na’to. Eler!!!

IBA’T-IBANG KLASE NG BABAE..

Pa-conyo- sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay….agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera- Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries- mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.

4. One-of-the-boys. Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba… Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm…

5. Girlfriend-material. Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh… OO.

6. Man-hater. Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

7. Pa-Girl. OA sa pagka girl, mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets.. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din… awts!

8. Super Friendly. By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.

9. Doble-Kara. Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All.Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-buhol na kasinungalingan.

11. Problematic. Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan.. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla. Isa sa pinakagusto kong personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo.. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang yun lambing lang niya iyon.

13. Silent but deadly. Maria Clara ang datingan, Di sila masyadong palakibo, or masalita. Kung magsasalita man eh parang sila lang nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin… Nasa loob ang kulo nila. Talagang mabibigla ka sa matutuklasan mong ibang side ng girl na ito….

14. Camwhore. Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang.. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro mukha na nia ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Uuuyyy gagawin na nila yan lagi hehehe.. Daming picture sa fs, fb or multiply na puro mukha lang naman… na naka-side.

15. Flexible. Eto yung girl na akala mo sa unang tingin, di mo mareach mukhang snobbish, and maselan, pero pag nakuha mo ang loob at nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na hindi one of d boys. Kahit saan nakakarating mula Rockwell hanggang Divisoria. Walang arte, Kakain kahit saan mapa Fridays or fishbolls sa kalsada. Ang sarap magkaroon ng girlfriend na tulad nila.

16. Flirt. In tagalog, Malandi, Syota ng bayan…. game! Kadalasang sila yung mga liberated, bombshell na talagang pansinin manamit, magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung gwapo or mayaman.
HAHAHA 

Ugali Mo!

Disclaimer: Ideas posted here are all mere observations of the author. Offensive it may be for some, or may be funny, but the intention is to express in words what is being done or seen in the world’s most popular social networking site by the people who patronize it and make it as a part of their lives.

 

 

Naks, Facebook. Ito ang in ngayon. Kahit bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy meron nyan. Sa ngayon, after Friendster times, ito ang nangunguna sa larangan ng social networking. Marami ka kasing pwedeng gawin dito ‘di ba? Sa pagmamasid ko nga, napansin ko’g depende sa personality mo ang paggamit mo dito.

 

 

Iba’t-ibang klase ng Facebook users  (ikaw na ang bahalang magdecide kung saang type ka naka-classify)

 

 

1.  Drama Queen

 

 

Eto yung mga facebook users na lahat ng issues nila sa buhay at nalaman na ng…

View original post 1,057 more words

ibat ibang tao sa facebook =))san ka dyan?

Adik -Sila ang talagang dahilan kung bakit yumaman si Mark Zuckerberg at dinudumog ng advertisers ang FB. Sila yung buong araw nakabang sa FB accounts nila sa computer o cell phone .Kulang ang araw nila pag di nakasilip, makapagpost at magcomments .Bawa’t kilos ipopost sa mga walls.Uumpisahan ng “Good Morning FB” at matatapos sa “Good night world”.Maraming adik ang yumaman sa mga games at apps pero kagaya sa tunay na buhay kailangan ang sipag ,tyaga ,connection at multiple accounts.

2. Silent type- Sila yung taong minsan lang magface book.Pasilip silip at pabasa basa lang .Ang iba ay nagka account lang dahil pinilit or pinag open ng account ng mga kamag anak at friends.Meron pa ring kagaya nila na hindi kinacareer ang FB.Sila yung malimit makita sa bandang kanang part ng facebook na may nakalagay sa taas na “ Help a Friend” at “Suggest friends for him/her”.

3. Emotero- Sila yung mga may hinaing sa love life,nag iinarte at madrama sa buhay .Dinadaan nila sa FB wall ang pagsisiwalat ng laman ng puso at isipan.Yung iba ay pakanta kanta at pahaging na comments ang style.Naging mag best friend na sial ni Mang Gugel kakahana ng mga video’s ,lyric’s ng mmga love songs.Love is in the air ang drama nila.

4. Echosera/o- Wala akong maisip na tamang itawag sa kanila.What Is in your mind?Tanong ni FB palagi na sinasagot naman nila. Kung maraming nag aabang sa pagbulalas nila ng mga nasa isipan nila ay meron namang talagang nakakarelate sa mga istorya . May natutuwa at meron ding mga umaaray dahil tinatamaan,ouch! Mga sumasama ang loob na minsan ay di kinakaya kaya ang ending ay either I unfriend or I block mo si ka FBing na out spoken. Kung may kasabihang “ Batu bato sa langit matamaan ay wag magagalit” Ito naman ang sa kanila “ Batu -bato sa langit ang matamaan ‘wag pikon”.

5. Sawsawera/o- Sila yung mga palasawsaw sa mga out spoken o echoseras . Hindi naman daw sila tsismosa at sulsulera, magkaiba naman yon! Kung maraming mga in denial ay marami rin naming proud to be sawsawers. Hindi rin sila pahuhuli kung group page ang pag uusapan dahil meron din silang sariling mundo. Closed group ito kaya pa member ka muna bago makipagsawsawan sa kanila.

6. Bulgar- Kung may PDA (Public Display of Affection) ay meron ding FBDA(Face Book Display of Affection).Nilalanggam sa kasweetan ang mga ito na kung minsan ay nagiging OA na sa mga pinopost.Sabi nga nila “ masisisi nyo ba kami, ikaw kaya maging In Love! ” . Isa rin sila sa masisipag magsearch ke Mang Gugel para sa mga love quotes.

7. Godly – Sila naman yung mga walang sawa sa kaka post sa walls ng mga bible verses . Mahilig mag share ng mga articles , videos and songs about God. Masaya na silang makita na may mangilan ngilang nag like sa postings nila kahit hindi mag comment basta ma ishare lang ang salita ng Diyos. Amen!

8 .Youngster- Nabibilang ditto ang mga kabataan , kolehiyala, mga bata .Halu halo lang mga posts nila. Usually mga okrayan at asaran.May mga Inglesera at pasosyal din lalo na yung mga nasa may sinasabing eskwelahan.Sila yata ang may pinakamaraming bilang ng ka FB at photo album at sila rin ang mga masisipag magrequest for games at apps lalo na yung mga bulilit.

9. Out Law- May mga ganitong klase ng tao sa FB akala nyo lang wala pero mabibilang lang yata .Sila yung mga di kasundo o galit sa mga in laws.Nakablock lahat ng inlaws at ayaw pasilip.Malamang kontrabida mga inlaws or sila ang mga nagmamaldita.

Taboo =)

Are we playing TABOO?
Ayon sa Wikipedia, ang Taboo ay isang word guessing game kung saan ang goal nito ay masagot ng mga kalaro mo ang pinapahulaan mong salita. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, pagkain o kahit ano na matatagpuan sa ating mundo.

Pero hindi ito ang tinutukoy ko. Bilang isang adik sa social networking sites, marahil ay sanay na ako sa mga ganito. Kapag galit ka o may kinaiinisan kang tao at alam mong pareho kayo ng ginagamit na site, ikaw ay magpo-post ng mga hate messages sa iyong Wall o Dashboard, na malayang makikita ng lahat. Tila para sa lahat ang post mong iyon ngunit para talaga ito sa iisang tao lamang. Ito ay maaari ring tawagin rin bilang backstabbing at cyber-bullying.

Merong mga taong sanay na sanay maglaro nito. Ngunit ano nga ba ang nagiging epekto sayo nito?

1. Hindi mo maipahayag ang sarili mo sa taong involved sa totoong buhay. Kasi, kung kaya mo naman, eh di sana, hindi mo na kailangang magparinig sa Tumblr o Facebook ng mga nararamdaman mo. Kapag kinausap ka naman kung sino ‘yung tinutukoy mo sa post mo, eh hindi mo naman masasabi ‘yung totoo.

2. Kinakabahan ka sa lahat ng oras. Ang bigat pa rin ng feeling mo, kahit sabi ng so-called konsensya mo, naibigay mo na yung lahat, kaya natanggal na ‘yung galit mo. Ganito ang feeling mo hindi dahil baka may magtanong about sa post mo, kung hindi baka i-confront ka na mismo ng taong involved. At kaya ka iko-confront ay hindi rin dahil sa post mo, kung hindi dahil nahalata niyang iniiwasan mo siya. Isa kasi sa mga makukuha mo rito ay GUILT. At kapag ang nag-rule sayo ay GUILT, hindi mo malalaman ang gagawin mo kapag malapit ka sa kanya. Kaya ang tendency, lalayo ka at iiwas ka sa kanya.

3. Ang pinakamasama at pinakamalala sa lahat, madedevelop sayo ang PRIDE. Ang PRIDE ay isa sa mga pinakamatagumpay na patibong ng demonyo. Dahil sa mga post mo kasi, feeling mo, superior ka na sa lahat. Feeling mo, mas tama ka kaysa sa pinariringgan mo. Pero ang totoo, pareho lang kayong mali. At isa pa, pinalulungkot mo lang si God sa ginagawa mo.

Hindi ko sinasabing hindi ko ginagawa ito. Dahil hindi ko magagawa ang entry na ito kung wala akong experience sa mga ganito. Pero ayoko kasi ng may matsitsismis. Ayoko ng mga wrong speculations. Hindi mo alam kung ikaw ba yun o hindi. O itinatanggi lang niya na ikaw yun, pero behind your back, sinasaksak ka na pala ng lahat. Debah?

At gusto ko lang i-take note na hindi ko nilalahat na ganito ang nararamdaman ng madlang people. [Baka kasi may mga mas expert pa at hindi na nakakaramdam ng kahit ano ‘pag nagpopost]. Gusto ko lang i-express lahat ng feelings ko. Pero wala naman akong pinatatamaan. Kaya ang tamaan, sapul. Marahil ay gusto lang ni God na may ma-realize ka.

top 5 ways para maging sosyal [batay sa mga social climber ng bayan] hahahahaha.

talakayin naman natin ang top 5 ways to socialization hahahaha.
sa tagalog, pasosyal hahahaha. lets start…

top 5:
YOU KNOW!!??
ang paggamit ng you know sa unahan at katapusan ng bawat statement na sasabihin mo.
[e.g. You know, mag pupuntahan pa kasi ako you know]
ay ambot. sila ung mga taong bawat sabihin… kahit hindi mo naiintindihan ay ididikdik pa rin ang you know sa bawat sentence

top 4:
YEAH, YAH, at NAH
ang paggamit ng yeah, yah at nah bilang yes at no. akalain mo, sila ung mga tipo ng taong pag maytinanong ka na halimbawa, may natutunan ka ba sa lexture kanina?nah ang sagot or halimbawang inutusan ng nanay nila at tinanong kung natapos na ba nila ito ay sasagot ng yah

top 3:
TUMAMBAY SA COFFE SHOPS
sila ung mga taong tambay ng mga kilalang coffe shop kahit na hindi naman umoorder. andun lang sila para if in case may kakilala silang madaan don, tiyak na makikita sila at bwala instant anagt ng level dahil ikaw ba naman ang makita sa tindahan ng kape na 200 ang pinakamababang presyo ng isang baso hindi ba sosyal un hahahah 

top 2:
PAG-NASA IBANG BAHAY… AT NAUUHAW NA, ITANONG MUNA KUNG ANG TUBIG BA NILA AY DISTILLED PURIFIED OR MINERAL
sila ung mga taong kadalasang may dalang mineral water bottle kahit na refilled lang un sa gripo nila at sila pa ang may ganang maghanap ng mineral water sa ibang bahay. akalain mo nga naman.  sosyal kayo kung ganyan ang magiging atake niyo sa simpleng uhaw na nararamdaman hahahaha

top 1:
HINDI MAKARELATE SA PINOY SHOWS [especially telenovelas]
kunwari pang hindi makarelate sa pinoy telenovelas na as if op siya tuwing may maguusap tungkol sa mga palabas sa tv at ipagmamalaki pa kunwari na cable kasi ang tv nila kaya madalang at hindi talaga siya nakakapanood sa local tv stations akalain mo nga naman

Tag Cloud

%d bloggers like this: