bloglovin

pointless story

Naiirita ako sa mga mag-jowa na sobrang bagal mag-stroll sa sidewalk. Bukod sa naiinggit ako, nakakainis dahil para sa mga mabilis maglakad katulad ko, ang tingin sa kanila ay mga malalaking harang sa nilalakarang sidewalk, na kung gusto mo silang i-overtake, no choice ka kundi maglakad sa kalye mismo. Good luck na lang na huwag ka mabangga ng mga motorsiklo na sa gilid ng kalye kung mag-drive.

Kasi naman, bakit pa kailangang mag HHWW PSSP while savouring the moment and walking slowly? Ang cheap ha, sa kalsada naglalampungan! Marami namang alternative eh, para hindi sila maging sagabal sa mga iba pang nagmamadali na makarating sa nais puntahan. Mga halimbawa:

1) Humanap ng isang lugar sa tabi-tabi na hindi dinaraanan ng tao kung saan pwede i-fondle nang i-fondle ang isa’t-isa hanggang magsawa sila. Kapag tapos na sila, eh di maglakad na sila papunta sa gusto nilang puntahan. Mag-holding hands sila kung gusto nila, basta bilisan nila lakad nila ha!

2) Maglakad sa mas malawak na sidewalk. So kahit 1 meter per hour ang pacing ng lakad nila, ayos lang kasi may malalakaran pa naman ‘yung mga gustong maglakad din.

3) Maglakad as a column, not as a row. Dapat single file lang. Paano sila maglalambingan kung nasa likod ‘yung isa? Uhmm… Alam niyo ba ‘yung laging ginagawa ng mga loveteam sa mga Koreanovela? Pinapasan ng lalaki ang babae sa likod niya. Ganun daw ang ipahiwatig ng mga Koreano ang tunay at wagas na pagmamahal. Mas intimate nga naman kapag nakapasan sa likod ‘yung babae; di katulad ng holding hands, parang barikada lang sa mga welga.

Kapag may nakita akong mag-jowa na mabagal mag stroll sa harap ko, sisigaw ako ng “Sunog, sunog! Tumawag kayo ng pulis!” Kapag hindi pa sila tumakbo niyan, aba gusto ba nila masunog?

====================

Nairita ako nang bonggang-bongga sa nakasabay ko sa FX last week. Tatlo kaming nakaupo sa middle row nang may sumakay na isang matabang babae. Siyempre sumikip ang mundo namin; expected na ‘yun sa FX, kahit mataba o payat pa ‘yung mga nakasakay. Pero bakit ako nairita dun sa matabang babae? Aba, sinabihan ba naman kami nang “Pwede pong makiusog?” Aba, nasisikipan ba siya? Kung ganun, hindi ba niya naisip na siya mismo ang dahilan ng pagsisikip? Para kasing ipinamukha niya sa amin na hindi kami nakaupo nang maayos kaya napipipi mga bilbil niya eh. The nerve!

Hindi naman ako galit sa mga matataba. Cute nga sila eh. Pero ang kinaiirita ko ay ‘yung mga matataba na kung umasta ay akala mo kung sinong mga balingkinitang mga tao. They’ve got to act according to their weights so that they would gain the respect of others.

Naks English. Parang Ben Tulfo lang ah.

====================

Naiirita ako kapag sinasabayan ng kanta ng pasahero sa jeep / FX ang tugtog sa radyo. Last week kasi, nagpatugtog ng Victims of Love ni Joe Lamont sa Love Radio habang nasa FX ako papasok sa trabaho. Tuwa na sana ako kasi gusto ko pakinggan ang mga emotional na kanta niya, nang biglang..

Pasahero: Pictures of love, still cannot believe…

Nabanas ako nang big time! Ang sarap kasi pakinggan ang boses ni Joe Lamont (lol), tapos biglang may makikising-along?! Ano siya, singer?! Siguro matutuwa ako kung kaboses niya kahit man lang si LA Lopez (singer yun eh), kaso hindi eh. Wala na nga siya sa tono, mali pa lyrics niya! Nagpapatugtog sa radyo kasi may nakikinig; kung gusto niya maki-sing-along, limang piso lang ang hulog sa videoke! Grrr. O kung gusto niya talaga sumabay sa pagkanta sa radyo, huwag naman sana niya gawin sa isang public place. Nakakaawa eh, nagpipigil na nga lang ako sa pagtawa eh.

====================

Nairita ako nung minsan kumain kami sa Jollibee. Anim kaming magkakasama eh, tapos sakto merong isang table na pang-animan. Doon sana kami uupo eh, nang biglang may umupo, mag-isa lang siya! Aba, sana naman umupo siya dun sa mga tables na pang-apatan lang. Pero walang malasakit sa kapwa eh! Hindi lang ‘yun, mga sampung minuto na siyang tapos kumain, hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuan niya. Feeling ata niya sa Jollibee siya nakatira eh!

Hmm.. Baka naman sa Jollibee nga siya nakatira? Baka naman siya mismo si Jollibee (‘yung mascot), naghubad nga lang ng costume kasi naiinitan na?

====================

Naiirita ako sa mga babaeng nagsusuot ng mga damit na mabababa ang neckline, pero magtatakip ng dibdib kapag yumuyuko. Contradicting kasi eh; gusto ba niya magpakita ng kaluluwa o hindi? Kung oo, bakit siya ngatatakip kapag yumuyuko? Kung hindi, bakit nga ba siya nagsuot ng revealing na damit in the first place? Kung ayaw nila makitaan, eh di taasan nila ang neckline nila! Para wala talagang makita, eh di mag-turtleneck! Pero kung proud talaga sila sa cup size nila, eh di kung yuyuko, walang takip-takip. If you have it, flaunt it kung daring ka.

Nagsusuot ng damit na mababa ang neckline, tapos magtatakip ng dibdib. Eh mga wala pala kayong paninindigan eh! Either conservative kayo or daring kayo, pero wala dapat pumosisyon sa gitna!

====================

Ang dami kong kinaiinisan noh?. ‘Yung mga natamaan nitong blog entry ko, maiinis kaya sila sa akin? Huwag naman po sana. Peace.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: