bloglovin

Ano nga ba ang sekreto ng isang masaya at kuntentong pag-ibig?
ano ang kailangan gawin upang manatili ang pagmamahal ng magkapareha sa isat-isa?

Maaaring sabihin na masaya sa piling ng kapareha. Lubos kang nagmamahal sa kanya.
Gayunman, may mga tao ring hindi maligaya sa pag-ibig. Nagdurusa sa piling ng kapareha kahit mahal ito. May mananatili sa nakakasakit na relasyon at lumuluha sa pag-ibig na walang kasiguruhan kung hanggang kailan.
Marami pa rin ang naghahanap ng pag-ibig, naghihintay nang tamang pagkakataon kung kailan dapat magmahal sa tamang tao. Marami ang nakakaranas ng rejection kaysa pagtanggap.
Ano nga ba ang sekreto ng isang tunay na masaya at kuntentong pag-ibig? sabi kailangang maging in love sa pag-ibig. Dapat ay pag-ibig talaga ang nararamdaman.
Maraming tao ang ipinagkakamaling pag-ibig ang nadarama para sa kapareha gayong hindi sila lubos na pinaliligaya ng nadarama para rito.
May mga taong nagdurusa sa pag-ibig pero nananatili sa relasyon.Iyon ay dahil sa in love sila sa pagdurusang naranasan nila, ayaw nilang iwasan o iwanan ang taong nagdudulot sa kanila ng pagdurusa dahil sa palagay nila’y bahagi na pag-ibig ang pagsasakripisyo.
May mga tao naman na naghahanap ng pag-ibig at patuloy o paulit-ulit na ginagawa ang paghahanap, ay mas in love sa paghahanap kaysa sa pag-ibig na natagpuan na nila.
Ang mga tao ay naniniwala sa mga romantic novel, sa mga love story o fairy tales ay nalulunod sa panaginip gayong kung tutuusin ay walang hanggan ang lahat ng buhay hangga’t umaabot sa totoong wakas nito.
Ang totoong pag-ibig ay walang paghahanap, walang pagdurusa, walang pagkukulang. Kung kayang magmahal ng walang “if” o “but”, maaaring sa sarili ay matagpuan ang masayang pag-ibig at maaaring maidulot din ito sa kapareha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: