bloglovin

kumalma ka na.

all comments, opinions, bloody reactions are allowed
Letting go… Moving on..

Two of the hardest thing after a relationship I believe. Yung tipong gagawin mo kasi wala kang choice. Kasi dapat. Kasi hindi na kayo. Hindi na sya sa’yo. Kasi hindi ka na nya mahal. Pwede rin na kasi hindi ka naman nya minsan minahal.

Walang perfect formula kung kelan, kung paano simulan, kung pano perfectly gagawin. Hindi yan math problem na may tamang solusyon para makuha ang final answer. It is a step to step basis depende sa tao. Hindi yan pinagpipilitan, pero PINANININDIGAN.

Hardest, bakit? Kasi kahit mahal na mahal mo pa yung tao kelangan kang mag-giveup. Kadalasang dahilan, kasi he/she fall out of love. Yes, possible un kasing possible ng isang araw hindi mo maintindihan kung bakit inlove ka sakanya. Hindi kasalanan ng isang tao na magising sya isang umaga na oops teka hindi ko na ata sya mahal, may mahal na ata akong iba. Masakit. Oo masakit pero wala tayong magagawa kasi part talaga yan. Pain is always present in a relationship, it is inevitable. Lalong mas masakit kung andun ka sa point na mahal na mahal mo sya. Pero kahit maglulumuhod ka sa harap nya, magwala ka, magmakaawa, lumuha ng dugo at magpapako sa krus, kung hindi na ikaw yung nakakapagpasaya sakanya hindi ikaw ang pipiliin nya. Minsan kelangan na lang talaga nating tanggapin na hanggang dun na lang, na not every good relationship lasts forever.

Pero pano mo nga ba tatanggapin kung hindi mo talaga matanggap? Dahil don bitter ka? Normal yon, pero isipin mo na lang kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan sino bang kawawa?sinong lugi?sinong mukang tanga?di ba ikaw rin? Kasi sya Masaya na kasama ang iba pero ikaw mukang mangkukulam na umoorasyon ng kung anu-anung nahalukay mo pa sa baul ng ninuno mo. Kasi aminin mo man o hindi umaasa ka pa rin. Umaasa ka na someday iiwan din nya yung bagong gf/bf nya para balikan ka. Bakit ka aasa sa taong imposible ng maging sau ulit? The fact na mas pinili nyang makasama yung bago kesa sau eh indication na yun na naniniwala syang hanggang dun na lang kayo. Na hindi na ikaw yung taong nakikita nyang makakasama nya habang buhay. Bakit hindi ka na lang mag-let go? Kahit papano naman minahal mo sya, why don’t you just wish him/her well? Para kahit papano mabawasan na rin yang bigat na nararamdaman mo. You can only have peace if you let go of the thing that bothers you. Hindi madali, aminado ako dun pero ikaw lang ang kayang tumulong sa sarili mo.

Let go…not in the sense na buburahin mo sya sa mundo. Na pag nagkita kayo as if hindi mo sya kilala. Na magmamahaba ka ng hair or mamamataas ng baba para hindi sya pansinin. Just let go of the relationship, end eventually the feelings. Sabi nga ni papa jack, “matapang ka if you fight for the person you love, pero mas matapang ka if you let go of that person to be with somebody else.” Isa yun sa pinakamasakit, seeing the person who used to hold your hands holding others, pero kailangan mong tanggapin na HINDI NA KAMAY MO ANG GUSTO NYANG HAWAKAN.

LET GO..it is as if you’re letting a bird fly and be free. Actually, yung tao lang naman ang papakawalan mo, but the memories and the lesson which the relationship taught will always remain. Hindi naman yan co-terminus, na kapag tapos na yung term nung tao pati memories burado na rin. Take it as an inspiration, para sa future relationship na rin. Malay mo may mapulot ka, masabi mong “kung hindi dahil sa pinagdaanan ng relationship natin noon hindi siguro ganto kaganda relationship namin ng mahal ko ngayon.” Mas mataray yon di ba. Baka palakpakan kita at bigyan ng standing ovation.

MOVING ON..pano nga ba gawin yan? Sympre after mag-let go kelangan mag-move on..katulad ng tanong ng karamihan sa lahat..pano? pano? pano? Sabi ko nga walang perfect formula, pero may technique na syempre ikaw mismo ang gagawa ng sarili mo..kaya nga technique eh. Pero kung ako yung tatanungin, simple lang sakin, umayin mo yung sarili mo. Kung paano? Kung anu-anung gagawin mo? diskarte mo na, basta ang end result, yung maumay ka. Kasi automatic yan, pag naumay ka sa isang bagay ikaw na mismo ang aayaw. Ikaw na ang bibitaw. Ikaw na ang magsasabing tama na, ayoko na. Pero hangga’t hindi mo pa kayang i-detach ang sarili mo wag mong pilitin. Kasi the more na ipilit mo, the more na babalik at babalik un. Sabi nga may oras para sa lahat, mas magandang antayin mo un. Saidin mo lahat ng sakit, lahat ng hagulgol, lahat ng katangahan at kabaliwan hanggang sa pinakamaliit na part ng buhay mo para pag handa ka ng bitawan lahat-lahat there’s no turning back.

Sabi nila mali na balik-balikan yung places, or things na madalas nyong puntahan at gawin nung ex mo kasi mas masasaktan ka pag naalala mo. Pero sa opinion ko hindi, kasi pwedeng maging first step yan ng “OPERATION UMAY” sabihin na nating modern version yan ng pag move on. Kasi kung susunod ka sa tradition ng mga broken hearted na “keeping yourself and mind busy” eh magmumuka ka lang bangag, stress ka na ampangit mo pa. Kasi niloloko mo lang din ang sarili mo, kasi aminin mo man o hindi at the end of the day kahit gaano yan ka-stressful paghiga mo sa kama at bago pumikit ang mata mo sya pa rin ang maiisip mo. Wag mong maging defense yung short term “ex memory” loss para sa agarang pag move on kasi from the word itself, “short” maikli, saglit, sandalian lang. makalimutan mo man sya for a while, pano yung mamaya, yung bukas, yung susunod na linggo at mga susunod pa?

Mas mabuti na yung kusa kesa pinilit, kasi parang fruit lang yan pag hinitay mo na kusa syang mahinog matagal man mas masarap naman at masasabi mong all the wait is worth it. Pero kung binalot mo lang sa dyaryo para piliting mahinog, pag tinikman mo hindi sya ganon kasarap, hindi ka rin masasatisfy, masasabi mong “sana hindi ako nagmadali, hinintay ko na lang sana.”

Hindi rin healthy ang “find other girls/guys” na isa rin sa traditional way, kasi kahit anong anggulo panakip butas pa rin ant tawag don. Kasi kung ipinapasa mo LANG (take note of the word lang, meaning limited) yung attention mo sa taong un, panakip at panakip butas pa rin ang role nya at masakit yon para sa kanya. Give your attention kung kaya mo ng ibigay, wag kang plastic, wag ka rin mag-inarte na baka mawala sya. Hello? Kung talagang gusto ka nya irerespeto nya ang natitirang feelings mo sa ex mo at matatanggap nya yon. Kung hindi nya matanggap malamang selfish sya at hindi sya para sayo. Uulitin ko ulit, mas maigi ang naghihintay. Don’t SEARCH for the next one; WAIT for the best person to come.

Kung pwede at possible, paki-obey na rin ang “3-month rule” hangga’t maaari lang naman. Para sino man sa inyo ay hindi magmukang si Popoy kay Basha na magwawala, sisigaw at isusumbat ang dalawang linggong natitira. Hindi naman amazing race ang pag move-on, hindi mo kailangang mauna at magmadaling rumampa sa harap nya na may kasamang bagong gf/bf, kasi muka kang tanga. Kasi halatang bitter ka, baka karmahin ka pa sa panggagamit ng iba para maging model mo, or worst bka madulas ka pagtawanan ka pa nya.

Above all, alam kong iba’t iba ang prinsipyo ng mga tao. Hindi ko mapipilit itong mga sinasabi ko sa mga taong taliwas sa mga paniniwala ko. Kung hindi ito magiging effective sa inyo then drop it, main rule ko lang naman is find your own ways, yung hindi ka magiging bitter at makakaya mong makipagngitian sa kanya pag nagkasalubong kayo na walang kirot. Yung hindi mo pinaplastik ang sarili mo. Mas maluwag sa dibdib yun. Yung imbitahin ka man nyang maging bestman or maid of honor sa kasal nya eh excited ka pang pupunta. Maging ninong o ninang ka man ng pitong anak nya eh ayos lang sa’yo. Mas masarap maging kaibigan ang dating ka-ibigan, kasi kahit naman hindi na “KAYO” he/she’s been part of your life. Paano na lang kung yung isang part ng buhay mo ay kinamumuhian mo, kahit gaano ka kaganda sa tingin ko pangit ka pa rin.

Pero sabi nga, mas madaling sabihin kesa gawin. So ako ngayon, sinisimulan ko na rin. Kasi sa buhay we sometimes left with no choice, but we always have the skills and ability to make that negative choice positive. Ask for God’s guidance, he’ll never leave you behind.

Advertisements

Comments on: "kumalma ka na." (4)

  1. […] kumalma ka na. (psychodee4.wordpress.com) […]

  2. […] kumalma ka na. (psychodee4.wordpress.com) […]

  3. […] kumalma ka na. (psychodee4.wordpress.com) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: