bloglovin

Archive for March, 2011

banatero

Naniniwala ako na lahat ng tao ay “Plastic” in nature,

May ilan nga lang na “Transparent” kaya kita ang laman.

-Banatero

pointless story

Naiirita ako sa mga mag-jowa na sobrang bagal mag-stroll sa sidewalk. Bukod sa naiinggit ako, nakakainis dahil para sa mga mabilis maglakad katulad ko, ang tingin sa kanila ay mga malalaking harang sa nilalakarang sidewalk, na kung gusto mo silang i-overtake, no choice ka kundi maglakad sa kalye mismo. Good luck na lang na huwag ka mabangga ng mga motorsiklo na sa gilid ng kalye kung mag-drive.

Kasi naman, bakit pa kailangang mag HHWW PSSP while savouring the moment and walking slowly? Ang cheap ha, sa kalsada naglalampungan! Marami namang alternative eh, para hindi sila maging sagabal sa mga iba pang nagmamadali na makarating sa nais puntahan. Mga halimbawa:

1) Humanap ng isang lugar sa tabi-tabi na hindi dinaraanan ng tao kung saan pwede i-fondle nang i-fondle ang isa’t-isa hanggang magsawa sila. Kapag tapos na sila, eh di maglakad na sila papunta sa gusto nilang puntahan. Mag-holding hands sila kung gusto nila, basta bilisan nila lakad nila ha!

2) Maglakad sa mas malawak na sidewalk. So kahit 1 meter per hour ang pacing ng lakad nila, ayos lang kasi may malalakaran pa naman ‘yung mga gustong maglakad din.

3) Maglakad as a column, not as a row. Dapat single file lang. Paano sila maglalambingan kung nasa likod ‘yung isa? Uhmm… Alam niyo ba ‘yung laging ginagawa ng mga loveteam sa mga Koreanovela? Pinapasan ng lalaki ang babae sa likod niya. Ganun daw ang ipahiwatig ng mga Koreano ang tunay at wagas na pagmamahal. Mas intimate nga naman kapag nakapasan sa likod ‘yung babae; di katulad ng holding hands, parang barikada lang sa mga welga.

Kapag may nakita akong mag-jowa na mabagal mag stroll sa harap ko, sisigaw ako ng “Sunog, sunog! Tumawag kayo ng pulis!” Kapag hindi pa sila tumakbo niyan, aba gusto ba nila masunog?

====================

Nairita ako nang bonggang-bongga sa nakasabay ko sa FX last week. Tatlo kaming nakaupo sa middle row nang may sumakay na isang matabang babae. Siyempre sumikip ang mundo namin; expected na ‘yun sa FX, kahit mataba o payat pa ‘yung mga nakasakay. Pero bakit ako nairita dun sa matabang babae? Aba, sinabihan ba naman kami nang “Pwede pong makiusog?” Aba, nasisikipan ba siya? Kung ganun, hindi ba niya naisip na siya mismo ang dahilan ng pagsisikip? Para kasing ipinamukha niya sa amin na hindi kami nakaupo nang maayos kaya napipipi mga bilbil niya eh. The nerve!

Hindi naman ako galit sa mga matataba. Cute nga sila eh. Pero ang kinaiirita ko ay ‘yung mga matataba na kung umasta ay akala mo kung sinong mga balingkinitang mga tao. They’ve got to act according to their weights so that they would gain the respect of others.

Naks English. Parang Ben Tulfo lang ah.

====================

Naiirita ako kapag sinasabayan ng kanta ng pasahero sa jeep / FX ang tugtog sa radyo. Last week kasi, nagpatugtog ng Victims of Love ni Joe Lamont sa Love Radio habang nasa FX ako papasok sa trabaho. Tuwa na sana ako kasi gusto ko pakinggan ang mga emotional na kanta niya, nang biglang..

Pasahero: Pictures of love, still cannot believe…

Nabanas ako nang big time! Ang sarap kasi pakinggan ang boses ni Joe Lamont (lol), tapos biglang may makikising-along?! Ano siya, singer?! Siguro matutuwa ako kung kaboses niya kahit man lang si LA Lopez (singer yun eh), kaso hindi eh. Wala na nga siya sa tono, mali pa lyrics niya! Nagpapatugtog sa radyo kasi may nakikinig; kung gusto niya maki-sing-along, limang piso lang ang hulog sa videoke! Grrr. O kung gusto niya talaga sumabay sa pagkanta sa radyo, huwag naman sana niya gawin sa isang public place. Nakakaawa eh, nagpipigil na nga lang ako sa pagtawa eh.

====================

Nairita ako nung minsan kumain kami sa Jollibee. Anim kaming magkakasama eh, tapos sakto merong isang table na pang-animan. Doon sana kami uupo eh, nang biglang may umupo, mag-isa lang siya! Aba, sana naman umupo siya dun sa mga tables na pang-apatan lang. Pero walang malasakit sa kapwa eh! Hindi lang ‘yun, mga sampung minuto na siyang tapos kumain, hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuan niya. Feeling ata niya sa Jollibee siya nakatira eh!

Hmm.. Baka naman sa Jollibee nga siya nakatira? Baka naman siya mismo si Jollibee (‘yung mascot), naghubad nga lang ng costume kasi naiinitan na?

====================

Naiirita ako sa mga babaeng nagsusuot ng mga damit na mabababa ang neckline, pero magtatakip ng dibdib kapag yumuyuko. Contradicting kasi eh; gusto ba niya magpakita ng kaluluwa o hindi? Kung oo, bakit siya ngatatakip kapag yumuyuko? Kung hindi, bakit nga ba siya nagsuot ng revealing na damit in the first place? Kung ayaw nila makitaan, eh di taasan nila ang neckline nila! Para wala talagang makita, eh di mag-turtleneck! Pero kung proud talaga sila sa cup size nila, eh di kung yuyuko, walang takip-takip. If you have it, flaunt it kung daring ka.

Nagsusuot ng damit na mababa ang neckline, tapos magtatakip ng dibdib. Eh mga wala pala kayong paninindigan eh! Either conservative kayo or daring kayo, pero wala dapat pumosisyon sa gitna!

====================

Ang dami kong kinaiinisan noh?. ‘Yung mga natamaan nitong blog entry ko, maiinis kaya sila sa akin? Huwag naman po sana. Peace.

tips para di ka magsisi sa huli:

* kung di ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang xa e patigilin mo na. kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. mas maganda kung ienjoy mo muna ang buhay single. mahirap na bumalik sa mundo ng single ng hindi ka injured. suportahan mo kami. NO TO BOYS! :))

* isipin mo ang history ng manliligaw mo. kung mabilis xa magpalit at magsawa noon, nako. magisip ka na. di tayo mga damit na kapag madumi na e magpapalit lang.

* pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. mas maganda kung alam mu yung panig nilang dalawa. malay mo nagsisinungaling yung isa. db? haha. dun mo malalaman kung good boy talaga xa o hindi.

* kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na xa para sa commitment. hindi lang kasal ang bawal iluwa pag mainit. tandaan mo yan.

* siguraduhin mo na nakapag move on na talaga xa sa ex niya ha! nako. wala akong masabi sa mga lalaking ganito.

* wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. sabihin mo na ipakita niya by actions hindi sa mga mabulaklak na salita lamang.

* hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngaun e mahal ka na niya. ul*l! magisip ka nga. baka di mo alam ang pera at oras na masasayang mo kapag iniwan ka nyan. hahaha!

* di porke pinili ka niya ngaun e ikaw na talaga ang mahal niya. siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.

* wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelanman. wag mong ibigay lahat. in short, tikim tikim lang. :))

* magingat sa mga libre at bigay sayo. baka pag tapos na ang lahat sa inyo at magsumbatan kayo, e magulat ka na lang na loan pala yun at kelangan mong bayaran. may tubo pa.

* kung nagiisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sau e picture nio. ung malaki ha. ung hapi kaung dalawa. ung PINAKA maganda niong pic ever. para kapag naghiwalay kau at sa tuwing nakikita niya un e manghihinayang siya sau na tipong masasabi niya sa sarili nia, ‘SAYANG pinakawalan ko pa itong perfect girl na ito.’ oh well. haha.

* bumili ka ng katalinuhan. oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging t*nga. sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakat*nga ka sa walang kwentang lalaki.

* magimbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo. kelangan un.

* wag akuin ang di mo kasalanan. kapag nasanay xa, aabusuhin niya un. magmumukha kang kawawa. eww.

* lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya, hindi kailanman sasagi sa isip niya na saktan ka. kung tunay syang lalaki, may paki sya sa nararamdaman mo at sa relasyon niyo.

TANDAAN MO pagdating sa break up:

* pag sinabi nilang kelangan nila ng time ang ibig sabihin nun e kelangan nila ng time para makapag hanap. di totoo na hahanapin nila ang sarli nila. ibang bagay ang gusto nilang hanapin. at di nila yun nahanap sau.

* “kaya sila gmgawa ng mga stupid reasons kasi ayaw nila tayong masaktan..”

* “..pero hindi nila alam mas nasasaktan tayo ng bonggang bongga!” –sabi ng taong itago na lang natin sa pangalang liit. :))

* pag sinabi na nilang namimiss na nila ang sarili nila, ibig sabihin nun nasasakal na sila sau. madame kang sigurong limitations. marami xang di nagagawa dahil sau. ganun kasimple.

* kaya nambababae ang mga lalaki ay dahil sawa na sila sau. gusto nila magexplore ng iba.

* pag nakipag hiwalay sau na walang matinong dahilan, haha, malamang bakla un.

* lahat ng lalaki tumitingin sa iba. tama ang nabasa mo. LAHAT. di man nila aminin pero ganun un. darating at darating ang point na mapapatingin sila sa iba. pero yung iba hanggang tingin lang. un ang good boy! pero totoo nga un. kaya nga tayo may peripheral vision diba? para di mahalata na nasa iba yung tingin. tama ba? tsaka sadyang ginawa ang mata ng mga lalaki na mabilis. well, ginawa namang mabilis ang utak ng mga babae. hahaha!

tips kapag nagsisi ka na:

* hello? di pa katapusan ng mundo. THERE ARE MANY FISH IN THE SEA. maganda ka. maniwala ka sa nanay mo.

* normal na umiyak ka. pero wag naman sa harap niya na with matching tulo pa ng sipon ha. ampanget. swear!

* wag kang makikinig sa mga slow na song na tipong sinasampal sayo ung mga lyrics.

* maniwala ka sa kasabihang, “new haircut, new boyfriend” baka naman hiniwalayan ka dahil sa buhok mong pagkaganda ganda!

* wag kang magpuyat sa kakaiyak. baka madaig mo pa ang patay sa lalim ng mata mo. maawa ka naman sa sarili mo.

* wag kang magmukmok. lumabas kau ng friends mo. malay mo nasa mall ang man of your dreams.

* wag mo syang burahin sa Y!m at friendster mo. pustahan di ka makakatiis nyan. di mo mapipigilang magtanong sa kaibigan mo kung anong stat msg nya, kung ol ba xa, kung sino nacocomments sa kaya at sino ang mga featured friends niya. ung*s! nangiistorbo ka sa buhay ng may buhay. bura bura epek ka pa dyan e kabisado mo naman. ikaw yung magmumukhang loser sa pag add mu uli sa kanya.

* wag na wag kang magpapapansin sa YM. wag ka maglagay ng mga paawang epek na stat msg or magON and OFFline ka ng ilang beses dyan. ikaw lang ang magmumukhang tanga. loser!

* iwasan ang paglalagay sa group message ng bitter quotes at special mentions na malalandi ung tipong lahat e para sa lalaki. wag mo nang daanin sa group message! sabihin mo na lang sa harap niya. hahaha!

* wag mo na din itry na burahin yung number niya. alam nating lahat na kabisado mo yan.

* tandaan mo na tao lang xa. hindi xa perpekto. hindi xa hangin na kelangan mo sa araw araw at minuminuto. kung yaw mo maniwala, adik ka g*go!

* wag sasabak sa sumbatan ng wala kang armas at kung alam mong dehado ka. para din yang intermission number. bongga ka kung mei hayop kang entrance at exit. :))

* kung gusto mo talagang magpakamatay, bahala ka. lugi ka noh. lam mo kung bakit? dahil sa dami dami ng lalaki sa mundo e xa lang natikman mo. payag ka nun? explore gurl!

* wag kang iinom ng di mo kaya. wala kang mapapala. di mo malilimutan yung hapdi na ginawa niya sau. ang tanging bagay lang na malilimutan mo e yung mga k*t*rantaduhang ginawa mo habang lasing ka. hindi masusulusyunan ng isa o kahit ilan pang bote ng alcohol yang problema mo.

* kung tips sa pagpapakamatay ang hanap mo, ang pinaka magandang solusyon ay pagpapanggap. yung tipong friends forever kuno kau. kwento niya yung bago niya. ipagyayabang niya kung gaano kaganda, kasexy, kabaet, katalino, kayaman, kasweet at lahat ng oposit mo ung girl niya. anong kamatay matay dun? edi yung pagpapanggap mo na napakasaya mo para sa kanya kahit gusto mo na xang hilahin sa impyerno.

* wag kang magpanggap na masaya ka. tanggapin mo na lang. kahit unti unti. wag kang maging plastik sa sarili mo. loka. baka magulat ka isang araw hindi mo na kilala kung sino ka. magpakatotoo ka. walang masama dun. pero hinay lang at baka may nasisipa ka na jan.

* wag kang maghabol. wag ka umasang babalik pa yan. lalaki lang ulo niya. magiging feeling xa. gusto mo?

* hindi masarap ang pride. actually, nakakalason. wala akong kilala na naging masaya sa pagkain ng pride niya.

* kung babalik yan, magingat ka. kung nagawa na niya sau un, kaya niyang gawin uli un. wag ka maniwala kaagad na nagbago at nagsisisi xa. mas masakit kapag second time na niloko ka nya.

* pero wag mong isara ang puso mo sa kanya. malay mo nagbago at narealize na niya ung pagkakamali niya. hmm. ay wait. ERASE ERASE!!

* higit sa lahat. wag mong isasara ang puso mo sa ibang lalaki. wag mong sabihin na di ka na magmamahal muli. sa ngayon siguro, oo, masasabi mo yan pero pag mei nakasabay kang gwapong lalaki sa jeep e parang nalimutan mo na isinumpa mo ang lahat ng mga lalaki. maiisip mo, ‘di naman lahat ng lalaki katulad ng ex ko.’ HAHA. t*nga!

Chapter ended

Do not make someone a PRIORITY who only makes you an OPTION.

The statement seems fair but can be hard to do. And who said that the world is fair? It
is not. But then again, it’s always up to you to decide when to stop being unfair to
yourself. You’re the one who will feel that you had enough.

“I love you…

So much…

If two people love each other, they are BOTH willing to compromise so as not to hurt the
other, to keep each other and to work things out.

Relationship is for TWO…
Commitment of TWO people…
Agreement of TWO people with consideration for each other…

It is the effort of TWO people to be together despite of all the problems, faults, and their
differences…

Not just ONE…

Keep the memories.
The happy ones at least.
I know I will.
Because they are the only ones we can keep forever.”
(Chapter ended. Doors closed.)

wag kang tanga.

Nalala ko lang mga katagang iniwan ng dalawa sa mga kumag kong kamag aral bago kami magkahiwalay sa bus, “Bakit mo kailangang pumalakpak kapag pumapalakpak ang nakararami, kahit hindi mo naman alam ang pinapalakpakan”?

Ayoko na sanang patulan eh, pero napagtanto at unti-unting nanuot sa mga iskini-iskinita ng makitid kong kukote na tama nga naman sila, palakpak ka nang palakpak eh engot ka namang hindi alam ang tunay na pinapalakpakan, isa’t kalahating dinagdagan ng wanport ka palang inosenteng tanga kung ganun.

Bakit nga ba ang hilig sumabay ng tao sa uso? ang hilig sa luho, wag mong ipangalandakang ang usong sinasabi mo ay ang pagyakap sa kaunlaran, dahil ang tunay na pagyakap sa kaunlaran ay hindi nakukuha sa pagkamit ng mga bagay na hindi naman kailangan bagkus ay tawag lamang ng inggit mula sa iba, yung tipong may nakita kang bago sa kapwa mo, makalipas lang ang thirty minutes meron ka na din nun, usong uso ang ganitong senaryo lalo na sa paaralan, mga batang wala pa man ding naipupundar mula sa sariling pinaghirapan ay nagkukumayog nang makisabay sa usong hindi naman nila alam kung saan nagmula.

Bakit nga ba sinasalungat ko ang ganitong gawain? dahil ba naiinggit ako sa kanila? dahil ba wala akong magawa? o dahil epal lang ako na gustong manggulo?

Humayo ka at bumuo ng sarili mong pagkakakilanlan, huwag basta kung ano na lamang ang iyong nakikita ay siyang gagayahin at isasabuhay ng isang batang yagit na tulad mo.

Napapatanga na lang ako kapag nakakakita ako ng mga damuhong na nagpapayabangan sa mga suot nilang havaianas chorva ek ek, mga Pilipinong pilit pinayayaman ang brazil na siyang gumagawa ng mga ginintuang tsinelas na ewan ko kung saan gawa at hayok na hayok silang bumili, at kapag hindi havaianas ang suot mo, poor ka na, ganyan ba talaga kataas ang tingin nyo sa mga gawang banyaga? at ganoon na lamang kababa ang kalidad ng mga produktong Pilipino?

Next? Ang mahiwagang kape ni Mr. Star, ang kapeng may dinurog na diyamante kaya kailangan mong mag ipon ng dalawandaang piso bago magising ang diwa ng kaawa-awang inaantok na Juan, ewan ko kung anong meron sa kape na to at kapag nakabili ka ay igugugol mo na ang walong oras mo sa kanilang tindahan at aaktang burgis burgisan, ewan ko lang talaga huh, kelan pa naging status symbol ang pag inom ng kape? Simula nang mahulog si Mr. Star mula sa langit kasama ang mga upuan niyang kahoy with matching ash tray, parang gusto kong umuwi at bumili nalang ng isang paketeng milo para papakin hanggang sa magtae ako.

Hindi naman sa dinidiktahan ko kayong itigil, sino ba naman ang isang igit na katulad ko, at sa mga magrereact diyan na nagbuburgis burgisan ngunit hindi naman halata, mamatay na kayo!

uulitin ko lang ang matagal ko nang sinasabi, mamatay ka man o mamatay ka, yumaman ka man hanggang sa mamaga ang magkabilang bulsa mo, hindi mo maiaalis na nabubuhay ka parin sa isang bansang pinaliligiran ng mga taong nagugutom at naghihirap, hindi ka binigyan n diyos ng sobrang pagmamay-ari para lamang ubusin sa mga walang kwenta mong luho, ibinigay yan ng diyos upang ipamagi mo sa iba, maging magandang ehemplo ng pagbibigayan at hindi ng kasakiman.

Bulag lang ang taong hindi nakakakilala sa lipunang kanyang kinabibilangan, dito ka nababagay hindi upang yakapin mo ang mga tradisyong hindi laan sa lahi mo, kundi upang maging parte ng pagbabagong mag aangat, sa sintang pinagmulaan ng binhi ng iyong buhay, ang inang iyong kanlungan at magiging himpilan ng pagmamahalan.

walang maloloko,kung hindi ka magpapaloko.xD

–> I agree… 🙂
Be aware and sa lahat ng gumagawa ng bad sa iba,
ma-consensya naman kayo… Meron ba kayo nun?

#1 ‘ ‘ MOVING ON ‘ ‘

-moving on is a long hard process. Pero Tama bang mang gamit ng ibang tao,para makapag move on? Hoy,hoy,hoy MAGING MATURED naman kayo, wag kayong gumamit ng mga ‘ ‘PANAKIP BUTAS!

Hindi na kayo na awa sa tao, hindi m naman talaga gusto,pinapaasa mo lang at pilit kang nakikipag flirt para makalimutan mo ang ex mo. . Gagi!ü Naku naku, KARMA is on it’s way to you,hala ka! Sa mga nag mumukhang PANAKIP BUTAS, mga engeng, magising naman kayo sa katotohanan! Ano ba naman :p 2010 na oh! Untog m kaya sarili m sa pader!

#2 ‘ ‘BESTFRIEND FOR ALL SEASON ‘ ‘

–> BEST FRIENDS/Friends lang kame, linya ng mga sinungaling committed na pilit nakikipag flirt. Para mapag takpan kung ano mang issue yung naririnig about sakanila. Friends,friends? That’s bullsh*ttt! Baka naman FRIENDS with benefits… Kasi naman yung mga iba jan, pag may BF/GF na wag na umepal… wag ng mag paka KABET! Alamin nyo kung saan niyo ilulugar sarili niyo. DARN, ang daming tao sa mundo ka-kabit kapa ba?

Wag ng magpaka DESPERADA/DESPERADO. . kung talagang gusto ka o mahal ka, iiwan niya yung nauna.. Pero kung hindi wag kana umasa,kaw lang kawawa, GAMITAN LANG ang laro niya. sa mga UNFAITHFUL naman jan, Loko loko mag tino na nga kayo.. Walang idu-dulot na mabuti yan!

#3 ‘ ‘ THINGS U DO NOT KNOW’ ‘

– -pilit itinatago, ” Spare fones, extra sims, contacts that are weird,” (minsan pinapalitan pa nga yung pangalan, pag chix ng bf mo, GUY na name yung ise-save, pag naman boilets ng gf mo, GIRL name ang ilalagay! Minsan memorize pa mga no.s Oh db? Dka ba mawiwindang? Ahaha )
Ooops! Dami gumagawa niyan **high 5 sa mga agree at guilty! Lol.

Pero wait, Behind your back,nakikipag flirt na ang mga ungas, malamang nag uusap sila hangang umaga, nagtetext ng wantusawa, at nagkikita ng palihim. SPARE FONES EXTRA SIMS AND CONTACTS?
Bakit m nga ba kailangan itago kung wala ka naman ginagawa? HAHAHA… guilty much? Gahd, madami ang mga ganitong tao.. 🙂

#4 ‘ ‘ CLEARED LOGS, EMPTY SENT ITEMS And DELETED INBOXES!ü

-Minsan dahil may ginagawa kang bad, masyado kang guilty, Erase dun,delete jan, clear dun. Wtf! may mga bobo din, nag bura na ng Inbox & Sent tapos dhl sa nerbyos nakalimutan ang LOG! oichayay, WORLD WAR III.. WRESTLING (smack down and Raw) & ENDLESS DEBATES! Madami ng nasirang relasyon ang INTERNET,FACEBOOK,FRIENDSTER, Emails At Higit sa lahat ang CELLPHONE. kaya nga yung iba mga babaero,lalakero mas gusto pa yung mga fones na konti lang na-sa-save para ligtas ahaha… Iwas AWAY! iwas GERA!ü

#6 ‘ ‘ white lies and all ‘ ‘

– – there are times na nagsisinungaling tayo dahil ayaw na natin ng away, kunwari *gumagawa ng project* andito sa ganyan,sa ganito** yun pala may mga kasama ng iba! Umiinom,nag vi-ices, nag bababae o naglalake!!!
Minsan sasabihin ”antok nako” pero aalis lang, may kausap na iba, o may kasamang iba.

#7 ‘ ‘ I WAS DRUNk & can’t remember anythng. . .’ ‘

The line that drives everyone insane… Asa kang hindi m matandaan lahat ng nangyari,sno binola m? Lola mo!

o0 nga u were drunk, pero consciously alam m pa rin ung nangyayari, hindi sa hindi mo mapigilan sarili mo, kundi At some point GUSTO MO rin mga ginagawa m nung lasing ka. . . Aminin! ;D Madami ng nakapag sabi ”kahit lasing sila,alam pa rin nla ang nangyayari” kaya wag niyo idahilan yung lasing kayo! We weren’t born yesterday, ;)))

#8 ”THE REBOUNDER’ ‘

-kung kaka break lang nila ng bf/gf niya, wag kang samaloids o excited masyado. Kaw din kawawa, imagine papatulan ka lang niya dahil alam niyang mahal m sya, maiiwan ka kung kelan niya gusto at mababalikan ka pa rin, wag kang maging rebound, luha lang ang idudulot sayo. Alam m ba ang word na T-A-N-G-A or E-N-G-O-T ! Wag kang magpaka gan0n. Mahalin m sarili mo ;D

Oichayay,, eto lang naman napapansin ko, wala ako pinapatamaan na tao,kung feel m isa ka sa mga nabangit ko,okay lang, mas magandang mag paka totoo,üü anyone with violent reactions or opinions, FEEL FREE TO SPEAK ;D

sikreto ng masaya at kuntentong pag-ibig

Ano nga ba ang sekreto ng isang masaya at kuntentong pag-ibig?
ano ang kailangan gawin upang manatili ang pagmamahal ng magkapareha sa isat-isa?

Maaaring sabihin na masaya sa piling ng kapareha. Lubos kang nagmamahal sa kanya.
Gayunman, may mga tao ring hindi maligaya sa pag-ibig. Nagdurusa sa piling ng kapareha kahit mahal ito. May mananatili sa nakakasakit na relasyon at lumuluha sa pag-ibig na walang kasiguruhan kung hanggang kailan.
Marami pa rin ang naghahanap ng pag-ibig, naghihintay nang tamang pagkakataon kung kailan dapat magmahal sa tamang tao. Marami ang nakakaranas ng rejection kaysa pagtanggap.
Ano nga ba ang sekreto ng isang tunay na masaya at kuntentong pag-ibig? sabi kailangang maging in love sa pag-ibig. Dapat ay pag-ibig talaga ang nararamdaman.
Maraming tao ang ipinagkakamaling pag-ibig ang nadarama para sa kapareha gayong hindi sila lubos na pinaliligaya ng nadarama para rito.
May mga taong nagdurusa sa pag-ibig pero nananatili sa relasyon.Iyon ay dahil sa in love sila sa pagdurusang naranasan nila, ayaw nilang iwasan o iwanan ang taong nagdudulot sa kanila ng pagdurusa dahil sa palagay nila’y bahagi na pag-ibig ang pagsasakripisyo.
May mga tao naman na naghahanap ng pag-ibig at patuloy o paulit-ulit na ginagawa ang paghahanap, ay mas in love sa paghahanap kaysa sa pag-ibig na natagpuan na nila.
Ang mga tao ay naniniwala sa mga romantic novel, sa mga love story o fairy tales ay nalulunod sa panaginip gayong kung tutuusin ay walang hanggan ang lahat ng buhay hangga’t umaabot sa totoong wakas nito.
Ang totoong pag-ibig ay walang paghahanap, walang pagdurusa, walang pagkukulang. Kung kayang magmahal ng walang “if” o “but”, maaaring sa sarili ay matagpuan ang masayang pag-ibig at maaaring maidulot din ito sa kapareha.

Tag Cloud

%d bloggers like this: